Pakil, Laguna
Brochure
HISTORICAL BACKGROUND:
The land from Punta Inuod to
Guinabihan (Banilan) is where the first settler Gat Maitan and his wife
Panumbalihan, and Gat Salyan Maginto and his wife Patongan first established
themselves. but after sometime, being molested by pirates and
marauders, they moved to the present site of the Poblacion, but left behind
Chief Maginoong Dalaga who ruled the place.
This accounts for the two (2) territories of Pakil on the Eastern and
Western sides of the lake.
When the Spaniards came in 1571, the
colony was under the leadership of Gat Paquil whose name had come to refer to
the settlement as “PAQUIL” which remained during the whole Spanish Regime and
early part of the American Period. It
was later changed to “PAKIL” by Executive Order No. 77 in
1927.
In 1588, when Padre Pedro Bautista,
OFM came, he assembled the scattered dwellings of the inhabitants into a well
arranged community site with a chapel and a plaza at the middle to which
converged the streets he opened.
In 1602, PAKIL was attached to
Paete as a “Visita”. Padre Francisco Barajas made some effort to
separate this town from Paete and Don Diego Jorge became the first Capitan in May 12, 1676.
PAKIL remained an independent town
during the Spanish regime with the Capitanes at the helm of the local government, and the last of whom
was Capitan Nicolas Regalado.
With
the change in the government from Spanish to American, and the organization of the Civil Government in
the country in 1901, Bernardo Gonzales was appointed the first Municipal
President until November 25, 1903, by Public Law No. 1009, Pakil was fused with Pangil. On October 1, 1927, PAKIL was restored to be
a separate town by Executive Order No. 77.
ANG ALAMAT AT KASAYASAYAN NG BAYAN NG PAKIL
Tulad ng ibang bayan sa lalawigan ng Laguna, ang pagkatatag ng Pakil ay may magandang kasaysayan. Kung ating bibigyang pansin ang mga salaysay, maaaring sabihing ito ay mga kathang dila lamang ng mga yumao nating matatanda, ngunit sa masusing pagsasaalang-alang ay binigyang diin na may mga nilalamang magagandang aral sa buhay ng tao.
Ang pagkatatag daw ng bayan ng Pakil
ay nagsimula sa isang mag-asawa at kanilang anak na nagbuhat sa Punta Inood,
nasasakupan ng nayon ng Casinsin. Ang
mag-asawang ito ay nagngangalang G. Gatmaitan at Gng. Panombalian.
Isa sa mga anak nila ay ang
mag-asawang Gatsalian Maginto at Catalina Putogan. Ang mag-asawa ay nagkaroon ng mga
supling. Nabubuhay ang mag-anak sa
paninilbihan sa mag-asawang Gat Maulawin at Gat Damuro. Ang unang naging asawa ni Gat Damuro ay
kapatid ni Gat Labuyo ngunit binawian kaagad ng buhay ang babae. Sa pagkamatay ng babae ay nag-iwan siya ng
isang sanggol na lalaki sa pangalang Padiok.
Mayroon namang mag-asawa sa pangalang
Gat Calianga at Dolosina na may anak na isang babae na ang pangalan ay Quilar. Ang unang pook na piniling panirahan ng
mag-asawa ay ang Katigasan Maykamyas.
Napili nila ito sapagkat natatayo sa pampangin ng ilog na kung tawagin ngayon
ay ilog ng Sambol. Ngunit nang minsang
lumaki ang tubig sa dagat ay umabot sa kanilang kinatatayuan ang tubig kaya’t
nagkaroon ng pag-aagam-agam ang mag-asawa at dahil doo’y napilitang lumipat sa
may bundok. Minabuti nila ang manirahan
dito sapagkat ito’y hindi mahuhukayan ng ilog.
Si Padiok at Quilar
ay laging magkasama, magkalaru-laro hanggang sa ang dalawa’y maging ganap na
binata’t dalaga. Nang sila’y magkaroon
na ng hustong pag-iisip, hindi na paglalaro at pagtataguan sa mga puno ang
kanilang kinawiwilihan tulad ng pamimingwit ng isda sa limbok. Ang pagsasama ni Padiok at Quilar
ay nagbukas sa kanilang isipan ng paghanga sa isa’t-isa. Sa kanilang mga puso’y sumibol ang kakaibang
damdamin hanggang ang dalawa’y magkaroon ng pagkakaugnayan. Sila’y nag-ibigan, nagmahalan ng tapat at
dalisay.
Isang araw habang namimingwit ang
magkasintahan ay binuksan ang sala ng Limbok upang ang malakas na agos ng tubig
ay makatulong sa paghuhukay ng ilog.
Nang mga sandali namang iyon ay umalis
si Padiok upang mamitas ng bulaklak na iaalay sa kasintahan. Matapos makapamitas ay kinuha ang bungbong at
sana’y isasalok ng tubig sa daloy ng bukal, ngunit si Quilar pala’y nauna nang kumuha ng bongbong at
sumasalok na rin ng tubig.
Dahil sa malakas na uli-uli ng tubig,
bunga ng pagbubukas ng sala ng limbok, ay biglang sinaklot si Quilar ng
umiikot na daloy. Walang nagawa ang
dalaga dundi ang lumubog-lumutang sa agos ng tubig. Kung siya ay lumilitaw sa tubig ay tumatawag
siya kay Padiok ngunit ang nababangit lamang niya ay ang unang
pantig ng pangalan ng lalaki ng “Pa…” at siya’y lumulubog na
muli. Nagpaulit-ulit ang gayong pagtawag
sa kasintahan. Nang makita sa Padiok
ang anyo ng kasintahan ay bigla siyang tumalon sa tubig ngunit tulad ng
dalaga’y nahagip din siya ng malakas na ikot ng daloy at tulad ni Quilar
siya ay walang nagawa kundi ang lumubog-lumitaw sa agos. Kung siya ay lumulutang sa tubig ay wala
siyang isinisigaw kundi ang pangalan ni Quilar, ngunit ang
nabibigkas lamang niya ay ang unang pantig ng panglan ng dalaga ng “Quil…”
at siya ay lumulubog na muli. Nagpatuloy
ang ganitong pagtatawagan ng magkasintahan hanggang sa sila’y kapuwa madala ng
agos sa ibaba ng ilog.
Ang kalunos-lunos na pangyayari ay
nasaksihan ng mga tao ngunit wala rin silang nagawa kundi pakinggan na lamang
ang pagtatawagan ng “Pa” at “Quil”.
Nang damputin ng mga tao ang
magkasintahan ang mga ito ay magkayakap na kapuwa malamig nang bangkay.
Sa pagbibigay-galang sa dalawa, naisip
ni Gatsalian Maginto na ang narinig nilang pagtatawagan ng magkasintahan ay
maging matibay na alaala sa isip ng mga tao.
Kaya’t sa harap ng mga bangkay ay isinumpa ng mga katutubo na ang pook
na iyon at tatawaging PAQUIL na sa pagsulat ng pangalan ay pinaiksi at
ginawang Pakil.
Ang Pakil sa pasimula ay naging “visita”
ng Paete, at ito ay inihiwalay sa Paete noong Mayo 12, 1676. Nang dumating ang mga Amerikano ay inisip
nilang pagsama-samahin ang maliliit na bayan at gawin na lamang nayon ng
malalaking bayan. Kaya’t ang Pakil ay
naging nayon ng Pangil. Nagpatuloy sa
pagiging nayon ang Pakil hanggang noong unang araw ng Oktubre 1927 sa
pamamagitan ng isang kautusan buhat sa Gobernador Heneral na ang Pakil ay
muling ibinabalik sa dating pagkabayan.
Nagpasimula ang mga tao sa isang
simbahang kawayan. Ang unang pari ay si
Rev. Francisco de Barajas. At ang
inilagay na patronong tagasubaybay ng bayan ay ang San Pedro de Alcantara. Upang makapagtayo ng simbahang matibay,
inalis ng Gobernador Heneral sa mga tao ang pagbabayad ng buwis sa loob ng
limang taon. Sa ganitong palakad ang
simbahan na yari sa bato at adobe ay natapos ng taong 1777.
Ang Pakil ay may saklaw na 4650
ektaryang lupain na nababahagi sa kinatatayuan ng bayan at ng labing-tatlong
nayon na nasasakupan nito.
Ang labing-tatlong nayon ng Pakil ay
ang sumusunod:
1.
Banilan (Tg.) banilan – uri ng
kahoy na matanda na
2.
Baño
(Kast.) baño – paliguan (?)
3.
Burgos (Apilyido)
4.
Casa Real (Kast.)
5.
Casinsin (Apilyido)
6.
Dorado (Apilyido)
7.
Gonzales (Apilyido)
8.
Kabulusan (Mal.) buros – blow of
air
9.
Matikiw (Tag.) tikiw – a kind of
tall grass
10. Rizal (Apilyido)
11. Saray (Tag.) saray – layer
12. Taft (Ing.)
Simbahan ng Pakil, Laguna
Interview
(parte ng interview)
Ininterview po namin ang Chief ng Turismo sa Pakil, Laguna
profile:
Lara A. Galleros
Administrative Officer,
Chief Tourism Operations
Officer Designate,
Office of the Mayor Pakil, Laguna
Office of the Mayor Pakil, Laguna
7- Orion, Mandaluyong Science High School
Axcel Justin E. Abanilla
Ian Racoma
Hans Ibrahim
Marinelle Santos
Submitted to: Mr. Dawisan
Malaking tulong ito para sa kaalaman namin patungkol sa bayan ng Pakil. Maganda rin po sana kung mayroon kayong alamat ng bawat barangay?
TumugonBurahin