Linggo, Disyembre 15, 2013

Turumba Festival


Powerpoint Presentation

FILIPINO PROJECT

Pakil, Laguna

Brochure 

                                                                                                                               

HISTORICAL BACKGROUND:
          The land from Punta Inuod to Guinabihan (Banilan) is where the first settler Gat Maitan and his wife Panumbalihan, and Gat Salyan Maginto and his wife Patongan first established themselves.  but  after sometime, being molested by pirates and marauders, they moved to the present site of the Poblacion, but left behind Chief Maginoong Dalaga who ruled the place.  This accounts for the two (2) territories of Pakil on the Eastern and Western sides of the lake.
          When the Spaniards came in 1571, the colony was under the leadership of Gat Paquil whose name had come to refer to the settlement as “PAQUIL” which remained during the whole Spanish Regime and early part of the American Period.  It was later changed to “PAKIL” by Executive Order No. 77 in 1927.
          In 1588, when Padre Pedro Bautista, OFM came, he assembled the scattered dwellings of the inhabitants into a well arranged community site with a chapel and a plaza at the middle to which converged the streets he opened.
          In 1602, PAKIL was attached to Paete as a “Visita”.  Padre Francisco Barajas made some effort to separate this town from Paete and Don Diego Jorge became the first Capitan  in May 12, 1676.
          PAKIL remained an independent town during the Spanish regime with the Capitanes at the helm  of the local government, and the last of whom was Capitan Nicolas Regalado.
With the change in the government from Spanish to American, and  the organization of the Civil Government in the country in 1901, Bernardo Gonzales was appointed the first Municipal President until November 25, 1903, by Public Law No. 1009,  Pakil was fused with Pangil.  On October 1, 1927, PAKIL was restored to be a separate town by Executive Order No. 77.


      ANG ALAMAT AT KASAYASAYAN NG BAYAN NG PAKIL
          
  Tulad ng ibang bayan sa lalawigan ng Laguna, ang pagkatatag ng Pakil ay may magandang kasaysayan.  Kung ating bibigyang pansin ang mga salaysay, maaaring sabihing ito ay mga kathang dila lamang ng mga yumao nating matatanda, ngunit sa masusing pagsasaalang-alang ay binigyang diin  na may mga nilalamang magagandang aral sa buhay ng tao.

          Ang pagkatatag daw ng bayan ng Pakil ay nagsimula sa isang mag-asawa at kanilang anak na nagbuhat sa Punta Inood, nasasakupan ng nayon ng Casinsin.  Ang mag-asawang ito ay nagngangalang G. Gatmaitan at Gng. Panombalian.

          Isa sa mga anak nila ay ang mag-asawang Gatsalian Maginto at Catalina Putogan.  Ang mag-asawa ay nagkaroon ng mga supling.  Nabubuhay ang mag-anak sa paninilbihan sa mag-asawang Gat Maulawin at Gat Damuro.  Ang unang naging asawa ni Gat Damuro ay kapatid ni Gat Labuyo ngunit binawian kaagad ng buhay ang babae.  Sa pagkamatay ng babae ay nag-iwan siya ng isang sanggol na lalaki sa pangalang Padiok.

          Mayroon namang mag-asawa sa pangalang Gat Calianga at Dolosina na may anak na isang babae na ang pangalan ay Quilar.  Ang unang pook na piniling panirahan ng mag-asawa ay ang Katigasan Maykamyas.  Napili nila ito sapagkat natatayo sa pampangin ng ilog na kung tawagin ngayon ay ilog ng Sambol.  Ngunit nang minsang lumaki ang tubig sa dagat ay umabot sa kanilang kinatatayuan ang tubig kaya’t nagkaroon ng pag-aagam-agam ang mag-asawa at dahil doo’y napilitang lumipat sa may bundok.  Minabuti nila ang manirahan dito sapagkat ito’y hindi mahuhukayan ng ilog.

          Si Padiok at Quilar ay laging magkasama, magkalaru-laro hanggang sa ang dalawa’y maging ganap na binata’t dalaga.  Nang sila’y magkaroon na ng hustong pag-iisip, hindi na paglalaro at pagtataguan sa mga puno ang kanilang kinawiwilihan tulad ng pamimingwit ng isda sa limbok.  Ang pagsasama ni Padiok at Quilar ay nagbukas sa kanilang isipan ng paghanga sa isa’t-isa.  Sa kanilang mga puso’y sumibol ang kakaibang damdamin hanggang ang dalawa’y magkaroon ng pagkakaugnayan.   Sila’y nag-ibigan, nagmahalan ng tapat at dalisay.

          Isang araw habang namimingwit ang magkasintahan ay binuksan ang sala ng Limbok upang ang malakas na agos ng tubig ay makatulong sa paghuhukay ng ilog.

          Nang mga sandali namang iyon ay umalis si Padiok upang mamitas ng bulaklak na iaalay sa kasintahan.  Matapos makapamitas ay kinuha ang bungbong at sana’y isasalok ng tubig sa daloy ng bukal, ngunit si Quilar  pala’y nauna nang kumuha ng bongbong at sumasalok na rin ng tubig.

          Dahil sa malakas na uli-uli ng tubig, bunga ng pagbubukas ng sala ng limbok, ay biglang sinaklot si Quilar ng umiikot na daloy.  Walang nagawa ang dalaga dundi ang lumubog-lumutang sa agos ng tubig.  Kung siya ay lumilitaw sa tubig ay tumatawag siya kay Padiok ngunit ang nababangit lamang niya ay ang unang pantig ng pangalan ng lalaki ng “Pa…” at siya’y lumulubog na muli.  Nagpaulit-ulit ang gayong pagtawag sa kasintahan.  Nang makita sa Padiok ang anyo ng kasintahan ay bigla siyang tumalon sa tubig ngunit tulad ng dalaga’y nahagip din siya ng malakas na ikot ng daloy at tulad ni Quilar siya ay walang nagawa kundi ang lumubog-lumitaw sa agos.  Kung siya ay lumulutang sa tubig ay wala siyang isinisigaw kundi ang pangalan ni Quilar, ngunit ang nabibigkas lamang niya ay ang unang pantig ng panglan ng dalaga ng “Quil…” at siya ay lumulubog na muli.  Nagpatuloy ang ganitong pagtatawagan ng magkasintahan hanggang sa sila’y kapuwa madala ng agos sa ibaba ng ilog.

          Ang kalunos-lunos na pangyayari ay nasaksihan ng mga tao ngunit wala rin silang nagawa kundi pakinggan na lamang ang pagtatawagan ng “Pa” at “Quil”.

          Nang damputin ng mga tao ang magkasintahan ang mga ito ay magkayakap na kapuwa malamig nang bangkay.

          Sa pagbibigay-galang sa dalawa, naisip ni Gatsalian Maginto na ang narinig nilang pagtatawagan ng magkasintahan ay maging matibay na alaala sa isip ng mga tao.  Kaya’t sa harap ng mga bangkay ay isinumpa ng mga katutubo na ang pook na iyon at tatawaging PAQUIL na sa pagsulat ng pangalan ay pinaiksi at ginawang Pakil.

          Ang Pakil sa pasimula ay naging “visita” ng Paete, at ito ay inihiwalay sa Paete noong Mayo 12, 1676.  Nang dumating ang mga Amerikano ay inisip nilang pagsama-samahin ang maliliit na bayan at gawin na lamang nayon ng malalaking bayan.  Kaya’t ang Pakil ay naging nayon ng Pangil.  Nagpatuloy sa pagiging nayon ang Pakil hanggang noong unang araw ng Oktubre 1927 sa pamamagitan ng isang kautusan buhat sa Gobernador Heneral na ang Pakil ay muling ibinabalik sa dating  pagkabayan.

         
          Nagpasimula ang mga tao sa isang simbahang kawayan.  Ang unang pari ay si Rev. Francisco de Barajas.  At ang inilagay na patronong tagasubaybay ng bayan ay ang San Pedro de Alcantara.  Upang makapagtayo ng simbahang matibay, inalis ng Gobernador Heneral sa mga tao ang pagbabayad ng buwis sa loob ng limang taon.  Sa ganitong palakad ang simbahan na yari sa bato at adobe ay natapos ng taong 1777.

          Ang Pakil ay may saklaw na 4650 ektaryang lupain na nababahagi sa kinatatayuan ng bayan at ng labing-tatlong nayon na nasasakupan nito.

          Ang labing-tatlong nayon ng Pakil ay ang sumusunod:

1.   Banilan (Tg.) banilan – uri ng kahoy na matanda na
2.   Baño  (Kast.) baño – paliguan (?)
3.   Burgos (Apilyido)
4.   Casa Real (Kast.)
5.   Casinsin (Apilyido)
6.   Dorado (Apilyido)
7.   Gonzales (Apilyido)
8.   Kabulusan (Mal.) buros – blow of air
9.   Matikiw (Tag.) tikiw – a kind of tall grass
10.  Rizal (Apilyido)
11.   Saray (Tag.) saray – layer
12.   Taft (Ing.)
13.   Tavera (Apilyido)


                                                               
                                              Simbahan ng Pakil, Laguna



Vista Art and Cafe
 


                                                            Dalena House Museum


 
                                                          Swimming Pool


                                                            Turumba Festival


 




                                                   Interview
                                          (parte ng interview)




 





Ininterview po namin ang Chief ng Turismo sa Pakil, Laguna
profile:
Lara A. Galleros
Administrative Officer,
Chief Tourism Operations
Officer Designate, 
Office of the Mayor Pakil, Laguna 






By: Group 4                    
7- Orion, Mandaluyong Science High School

Axcel Justin E. Abanilla
Ian Racoma
Hans Ibrahim
Marinelle Santos

Submitted to: Mr. Dawisan